Picture
   It's more fun in the Philippines sabi nga nila, ito ang mga dahilan kung bakit dapat bumyahe ang mga dayuhan dito: 
                  Una  sa pagkain; andami nating maipagmamalaking FILIPINO DISH, na sabi ng iba ay kinuha lamang daw sa mga banayaga, hindi naman lahat. Gaya ng abodo, mechado, pochero, nilaga,caldereta, ast iba pa, na kapag nakain mo ay talagang babalik-balikan mo! Ingat lang sa mga cholesterol na nakapaloob dito. 
                     Isa pa sa mga pinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang mga talentadong mga tao na kilala sa buong mundo; tunay o may dugo man; katulad ni Charice Pempengco, na sumikat dahil sa Youtube, isang Music-Video sharing site na siyang nagpakilala sa mga banyaga sa galing at talentado nating mga Filipino. Isa rin dyan ang may dugong Filipino na sumali sa American Idol, na si Jessica Sanchez, bagamat runner-up lang ang napanalunan niya laban kay Philip Philips, ay malaking rekognisyon sa mga Filipino at sa bansang Pilipino. 
                    Ang pagiging maalagain nating mga Filipino ay isa ring itinatangkilik ng mga dayuhan; kagaya ng mga caregivers; ang mga banyaga'y kinukuha tayo upang maging nurse/caregiver nila. Mapagmahal at Maalagain ang mga babaeng Pilipino, ewan ko na lang sa aming mga lalaki. 
                   Isa rin ang pinagmamalaki nating mga Filipino'y, ang mga tourist spots, na Naku! Napakaganda Talaga! Kagaya nang sa Banaue Rice Terraces, na bunga nang pagod ng mga Sinaunang Katutubong igorot. Ang boracay, na mala-palasyo ang ganda. Ang Mayon Volcano na mala-perpektong kono ang hugis. Ang "Magic" Chocolate Hills na kapag nauulanan/nababasaan  ay nagiging brown, mula sa orihinal na kulay berde, Ang mga talon katulad ng Pagsanjan sa Laguna, Tinuy-an Falls sa Bislig, Agusan del Sur, na lantay ng mga mayayaman at malilinis na bukal na tubig. KAYA NAMAN ANG "PILIPINAS" ay isang pinagpalang bansa, kaya nga inaagaw ng China ang teritoryo natin. 
                   Kahit may mga masasamang yugto o bahagi ng bansang pilipinas,katulad ng mga HOLDA-fun, CARNA-fun,KIDNA-fun  ay kaya nating lagpasan at patunayan ang mga batikus na hindi naman totoo at kung totoo man, ay kaya nating bumangon at patunayan na hindi lahat ng mga Filipino ay ganoon kasasama. 
                   Mahal tayo nang diyos, dahil binayayaan niya tayo. Babalik siya, at tandaan mo, nasa tabi mo lang siya. at huwag kang magalala dahil hindi tayo papabayaan ng ating Diyos.  
                  Tara na! Byahe Tayo! It's more fun in the Philippines! It's More Fun nga ba? 




Leave a Reply.